Babaeng Hinangaan Ko

24 April 1999

Ang pagmamahal sa isang tao
ay nagsisimula sa paghanga nito.
Katulad ng tula ko sa inyo,
isang babaeng hinangaan ko.

Ako ay mayroong nakilala,
isang babaeng ubod ng ganda.
Daig pa niya si Maria Clara
kahit moderno kung pumorma.

Noong unang tingin ko sa kanya,
gusto kong mapasaaking agad siya.
Kung tingnan siya’y parang suplada
ngunit mali pala ang aking akala.

Siya’y niyaya kong kausapin
at siya at pumayag rin.
Nang kausapin niya ako,
biglang namula ang mukha ko.

Napakaganda kasi ng boses niya,
parang musika sa aking tainga.
Lumalaki ang aking mga mata
kung siya’y aking nakikita.

Sa lahat ng babaeng aking nakilala,
siya lang talaga ang pinakaiba.
Ngiti niya ay parang Mona Lisa
at mala-anghel ang boses niya.

Pagpipinta rin ang kanyang gusto
katulad nina Leonardo at Michelangelo.
Kasama rin ang mga hinangaan ko
na sina Luna, Francisco at Amorsolo.

Mahilig rin siyang sumulat ng mga tula,
mapa-Filipino man o wikang banyaga.
Ngunit ang pinakapaborito
ay ang pagbabasa ng mga kuwento.

Kung ako ngayo’y sasagutin niya,
ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya.
Kung pag-ibig niya’y aking makakamit,
lundag at hiyaw ko’y abot langit.

kenn jimena

Advertisements

Inspirasyon

23 April 1999

Ang pag-ibig ay dapat pahalagahan
sa buhay na ating ginagampanan.
Ito ang nagbibigay ng kahalagahan
sa mga bagay na ating pinaghirapan.

Mga taong bobo man o matatalino,
dapat magkaroon ng ginintuang puso.
Sila rin naman ang makikinabang nito,
kasama rin ikaw pati ako.

Tayong lahat ay dapat na may inspirasyon
upang maging masigla sa buong maghapon.
Hindi lang ito kailangan sa isang taon,
kailangan ito sa lahat ng panahon.

Hindi ko naman sinasabi sa mga binata
na dapat magkaroon ng syota.
Mag-ingat rin dapat ang mga dalaga
sa mga binatang nanliligaw sa kanila.

Hindi masama ang magkaroon ng kasintahan
basta’t wastong gulang ay ating nadatnan.
Inspirasyon lamang kaibigan ang kailangan
upang mga pangarap nati’y ating makamtan.

kenn jimena

* original image appears in link

Tumawa Ka

19 April 1999

T – umatawa ako… ikaw ang dahilan,
dahil makamit ko ang kaligayahan.
Tula ko sa iyo, pakibasa naman,
aking sinisinta, ako ay pakinggan.

U – miyak din ako… dahil rin sa iyo,
sapagkat umasa ang puso kong ito
sa sabi ng iba… iyon pala’y biro.
Akala ko kasi, iyon ay totoo.

M – analig ka sana sa akin sinta ko
na iibigin ka ng buong puso ko.
Nang dahil sa ikaw’y lubhang mapagbiro,
ginamot mo minsan kaba ko sa puso.

A – raw ng pag-ibig… iyong tatandaan,
sa buwang Pebrero, ikaw’y sasamahan
ng puso kong tapat… sa pantasyang buhay
na ‘di mabubuwag ng kahit ninuman.

W – alang ibang hiling, iyong pag-ibig lang,
ayaw ko sa pilak… kahit anong yaman.
Ang mahalaga lang ay damdaming bukal
na aking dadalhin hanggang kamatayan.

A – ng aking pag-asa… sa’yo hihilingin,
‘pagkat ligaya ko’y sa palad mo na rin.
Ikaw ang kalutasan sa ‘king suliranin,
iyong inilawan buhay kong madilim.

K – amandag ng poot ay iyong ginamot,
sadyang kasiyahan ang tunay mong dulot.
Ako’y lumigaya’t natanggal ang poot,
na sa unang tingin… akala ko’y salot.

A – ng pagtatapos ko ng banal kong tula,
ikaw’y nakangiti sana aking sinta.
Huwag mong isipin ang nakaraan na.
Ang masasabi ko… sana tumawa ka.

kenn jimena

* original image appears in link

Since You’re Here Around

6 April 1999

I don’t know how to love you.
Please tell me what to do.
Girl, I don’t want you to go.
You’re all I have, you know.

I have some poems for you darling
because I can’t hide my feelings.
I can’t wait to say I love you
but I’m afraid that you’ll go.

I found love in your ways
even just some few lazy days.
There’s one thing you should know,
I will still live for you tomorrow.

I guess I’m crazy.
Crazy for you, can’t you see?
If you say that I will cry,
I will do it even there’s no reason why.

My heart is longing for your love
and I will give all that I have.
I want to be with you all the time.
A day with you is a special valentine.

We maybe an ocean away,
still, I can hear whatever you say.
I’m a young man that is crazy
because loving you will never be easy.

A day without you in my sight
never makes me feel good at night.
I want that we’ll be together
from now until all the days are over.

There’s a place where dreams are apart
but you still paint your love all over my heart.
Please give me another chance
to prove to you my sweet romance.

We’re living under one sun,
where you and I used to run.
Here is where I always be
when I feel so sad and lonely.

Girl, there are no more words to say.
I just need you every night and every day.
It hurts me if we are apart.
I could say that you’re the cry of my heart.

Every time I call you on the phone,
I’m thinking that we are both alone.
You know that I am not pretending.
You know that my love is not just an acting.

You’re all I want from the start,
so please don’t ever break my heart.
You’re more that a good friend
and this love will surely never end.

You know it’s hard to say goodbye.
It will hurt and it will make me cry.
You know there’s love that I found
since you are here around.

kenn jimena

* original image appears in link