Aalis Ka Na

9 March 2010

Aalis ka ngayon, iiwan na ako.
Parang kailan lang, nakilala mo’ko.
Puno ng tawanan, parang ‘di seryoso,
dahil tinatago’ng letsing pag-ibig ‘to.

Bakit ‘di masabi itong aking dasal?
Para kang panata, laging inuusal.
Sa’yong mga ngiti ako nakasandal
upang ang araw ko ay hindi mabuwal.

Ngunit aalis ka at ngayon na iyon.
Pait sa damdamin, dama ko maghapon.
Naghalo na lahat, pawis, luha’t sipon.
Tawanan mo na’ko, aalis ka ngayon.

Maghihintay ako sa’yong pagbabalik.
Hindi man magsulat, ako’y masasabik.
Dadamhin ko lagi iyong mga halik,
at kahit man lamang sa aking paghilik.

Sana’y mahawakan iyong mga kamay,
ang alaala mo ay pang-alis lumbay.
Hindi maiinip, ako’y maghihintay.
Laging tatandaan, mahal kang tunay.

kenn jimena

* original image appears in link

One thought on “Aalis Ka Na”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s