Ipikit Ko na

Pulaw

29 October 2018

Kung pwede lang ibalik ang nakaraan. Kung pwede lang bumalik sa aking kabataan. Kung pwede lang burahin ang tinta na nakasulat sa palad na hindi ko na mabuksan. Ang palad na pilit isinasara na parang nakakandadong pintuan. Ewan ko kung bakit parang ayoko na kung ano man ang mayroon ako ngayon. Ang kahapon na nilimot na ay parang nakabukas na aklat. Inagiw, inalikabok, nakakabaliw, nakakapusok, sa puso kong ayaw na sanang tignan kung ano man noon ang nakasulat. Ngunit may mga bagay na kahit ayaw mo na ay walang kang magawa kundi pagbigyan, katulad ng laman ng utak ko na hindi ko na mapipigilan. Parang mabahong tubig sa kanal na umaalingasaw. At para ring mainit na sabaw, pilit mo mang lunukin, nakakapaso, kaya isusuka mo rin. Ayoko ko na! Ayoko nang isipin kung anong mang gusto kong isipin. Nakakaantok pero hindi rin naman inaantok. Mag aalas kwatro na, pero mata ko’y bukas na bukas pa. Nakatitig, natutulala sa wala. Mabuti pang ipikit ko na. Ayoko na! Ayoko nang magpuyat at magising buong gabi hanggang umaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s