Alam Mo Ba?

27 September 2009

Alam mo na mahal kita.
Hindi kita iiwan.
Hindi kita papapabayaan.
Habang-buhay kitang gustong makapiling.
Nandito ka lagi sa puso ko.
Ikaw lang sa isipan ko.
Ikaw lang sa buhay ko.
Lahat ng gusto mo’y gagawin ko.
Alam mo ang lahat ng iyan, ‘di ba?

Alam kong ako lang ang makapagpapasaya sa’yo.
Lahat ng ito ay para lang sa’yo.
Hindi natin pagsisisihan ito pareho.
Alam kong alam mo.

keno abdiel jimena

* image source

Leave a comment