Walang Iwanan (Barkadahan)

Walang Iwanan

12 April 201O

Masarap makasama ang barkada ko
Lalo na kung nagkakantahan kami.
Ang barkadang marunong magmahal.
Pero kung walang samahan ang barkadahan
Ay malungkot na naman ang mundo ko.
Masaya kami lalo na kung may party.
Sa disco, lahat kasama ko pati girlfriend mo.
Ayos na sana dahil kasama ko sila…
Bakit gano’n?
Nag-iba na ang ugali nila,
Para nang bato ang puso nila. Bakit?
Anong meron ako na wala sa kanila? Huh!?
Bakit ang barkada ay nagtatalo misan?
Nag-aaway sila.
Sana magbago na kami at hindi na mag-away pa,
Kasi matanda na kami, lahat halos ay may trabaho na.

Yan nagbago na ang buhay namin.
Masaya na kami kasi nararamdaman na namin lahat ang isat-isa.
Nagpapasalamat ako kasi nagkakasundo na kami.
Pero minsan masarap balikan ang nakaraan,
Isip bata at walang pakialam,
Pero hindi na pwede kasi matanda na kami.
Ayos at okey na kami sa aming buhay.
Alam ko hindi na namin maibabalik ang kanaraan,
Masaya na kami dito.
Lahat kami meron nang kanya-kanyang mga anak.
Kahit ganito na, nagkikita pa rin sa tambayan namin.
Yan ang barkadang walang iwanan.
Dito na kasi nagsimula ang lahat,
At hindi na matatapos pa.

keno abdiel jimena

Advertisements

One thought on “Walang Iwanan (Barkadahan)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter into the world of endless imaginations!

%d bloggers like this: